Buboy malaking challenge ang pagkakaroon ng pamilya

August 17, 2020

BARELY eighteen years old  lamang ang singer-actor na si Robert `Buboy’ Villar, Jr. nang siya’y maging isang ganap na ama sa kanyang almost three-year-old daughter na si Vlanz Karollyn sa kanyang Fil-Am partner na si Angillyn Serrano Gorens pero ito’y kanyang pinangatawanan at masaya umano siya sa kanyang pagiging young dad.

Sinabi noon ni Buboy na gusto niyang pakasalan si Angillyn kapag nakapag-ipon na umano siya at pareho na silang nasa tamang edad.

Hindi naman ikinakaila ni Buboy na malaking challenge sa kanya at sa kanyang pamilya  ang lockdown dahil hindi umano siya makapag-trabaho tulad ng normal na sitwasyon.

Ang biggest break ni Buboy ay nang kanyang gampanan ang papel ng People’s Champ at senador na si Manny Pacquiao, ang “Kid Kulafu” produced ng Ten17 Productions ni Paul Soriano in 2015.

Si Buboy ay produkto ng “Little Big Star” ng ABS-CBN at naging miyembro ng young band na Mak and the Dudes, naging in-demand bilang child actor hanggang sa kanyang pagiging tinedyer at pagbibinata.

Isa si Buboy sa umaasang magbalik na sa normal ang sitwasyon ng lahat dahil marami ang nagugutom at walang trabaho.