Carla proud kay Tom

February 28, 2019
Carla Abellana
Carla Abellana

VERY proud ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang boyfriend, ang  kapwa Kapuso actor na si Tom Rodriguez dahil bago ito sumabak sa taping ng bago nitong afternoon TV series na “Dragon Lady” na pinagtatambalan nila for the first time ni Janine Gutierrez ay nag-aral ito ng pagsasalita ng Mandarin at maging ng dragon boat racing bilang paghahanda sa kanyang role na isang Chinoy.

Drama, romance na may halong fantasy ang bagong panghapong serye ng Kapuso Network na magsisimulang mapanood sa darating na Lunes, March 4 bilang kapalit ng “Asawa Ko, Karibal Ko” na magtatapos ngayong hapon, March 1.  Ito’y tinampukan nina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz as his first TV series sa bago niyang home studio, ang GMA.

Bukod kina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez na siyang mga pangunahing bituin ng “Dragon Lady,” tampok din sa nasabing serye sina Edgar Allan Guzman, Joyce Ching, James Blanco, Maricar de Mesa kasama sina DJ Durango, Odette Khan, Dexter Doria, Lovely Abella at Julie Lee.  May special guest participation naman sina Bea Binene, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Isabelle de Leon, Mosang at si Leo Martinez.  Ito’y mula sa pamamahala ni Paul Sta. Ana.

Si Tom ay huling napanood sa seryeng “The Cure”  na pinagtambalan nila ni Jennylyn Mercado at dinirek ni Mark Reyes nung nakaraang taon.