Carlo, ginawang ‘private’ ang Instagram

February 28, 2019
Carlo Aquino

Naka-set sa private account ang Instagram (IG) account ni Carlo Aquino, kaya walang makapag-comment, lalo na ng fans nila ni Angelica Panganiban sa interview niya kay MJ Felipe ng ABS-CBN news kung saan sinagot ng aktor ang isyu sa kanila ng aktres at may inamin pa sa non-showbiz girl na nali-link sa kanya.

Hindi kasi na-interview si Carlo after ng presscon ng Ulan dahil nagmamadali at pupunta pa sa Zambales, kaya ang natanong sa kanya sa Q&A ay tungkol sa Viva Films movie nila ni Nadine Lustre na showing sa March 13.

Sa interview ni MJ, sabi ni Carlo, basta okay sila ni Angelica at on speaking terms sila, okay na siya.

Wala raw siyang dapat i-explain sa sinasabi ng tao sa kanya.

“Basta ’yung mga taong nagmamahal sa akin, ’yung kilala ako, iyon lang ang importante. Naiintindihan nila ako,” sabi ni Carlo.

First time nangyari kay Carlo na sumabog ang malaking isyu sa kanya at tungkol pa sa lovelife.

Malaking blessing daw, pero hindi niya expected na ganu’n kalaki ang isyu. Wala raw siyang magagawa kundi tanggapin ang sinasabi ng tao.

“Opinyon nila ’yon, eh, di tanggapin ko na lang,” dagdag pa ni Carlo.

In the same interview, kinumpirma ni Carlo na real photos ang lumabas online kasama ang sinasabing non-showbiz GF na si Trina Candaza.

Hindi na lang siya nagbigay ng detalye, basta para sa kanya, may mga bagay daw na dapat gawing private.

Samantala, sa March 13 na ang showing ng Ulan na first time pinagtambalan nina Carlo at Nadine sa direction ni Irene Villamor.

Magic realism ang tema ng movie, may mga tikbalang na malaki ang parte sa istorya.