Carmina may tablet giveaway sa mga estudyante

August 25, 2020
Carmina Villarroel

INANUNSYO ng 'Sarap 'Di Ba?' host na si Carmina Villarroel na magkakaroon siya ng giveaways para sa mga estudyanteng nangangailangan.

Sampung lucky students ang mananalo ng tablet na magagamit nila sa pag-aaral ngayong school year bilang online na muna ang lahat ng classes. Open ang giveaway na ito para sa mga taga-Metro Manila at simple lang ang kaniyang mechanics para makasali.

Siguraduhin lang na naka-follow sa Facebook page, Twitter at Instagram accounts pati YouTube channel ni Carmina at i-comment ang city of residence at year level sa comment section na 'How to clean your ref' vlog niya.