Casa Esperanza malapit nang matapos

August 24, 2020
Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao
Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao

MUKHANG pinaghahandaan na ngayon ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at ng kanyang architect partner na si Conrad Onglao ang kanilang pagre-retire balang araw dahil itinayo nila ang Casa Esperanza (na hango sa tunay na pangalan ng singer-actress) sa isang two-hectare lot sa Lucban, Quezon na malapit na ring maging bukas sa publiko.

Taong 2018 nang simulan ang construction ng Casa Esperanza na napakaganda mula sa construction ng bahay at cottages, swimming pool, lagoon hanggang sa landscaping.

Samantala,  ano na kaya ang nangyari sa planong pagpapakasal nina Zsa Zsa at Arch. Conrad sa Italy?