Celebrities na biktima ng COVID nadadagdagan

August 11, 2020

NAG-POSITIBO sa coronavirus (Covid-19) ang 60-year-old Spanish actor, film producer at director na si Antonio Banderas at ito’y kanyang ibinahagi sa kanyang ika-60th birthday last Monday, August 10.  Pero kasalukuyan na siyang nagpapagaling and devotes his time sa pahinga, pagbabasa at pagpa-plano ng mga bagay na gusto niyang gawin paggaling niya.

Si Antonio na nakilalala sa mga pelikulang “The Mask of Zorro,” “Philadelphia,’ “Interview with the Vampire,” “Evita,” “Desperado” at iba ay hiwalay na sa kanyang Hollywood actress wife of 19 years na si Melanie Griffith kung kanino siya may isang anak, si Stella Banderas.

Hindi nagkaroon ng anak si Antonio sa kanyang unang wife, ang Spanish actress na si Ana Leza.

Talagang walang pinipili ang COVID kung sino ang kakapitan dahil maraming prominenteng personalidad sa buong mundo ang na-infect sa sakit na ito.  Nariyan ang mag-asawang Tom Hanks at ang actress-wife niyang si Rita Wilson, ang British actor na si Idris Elba, ang British prince na si Prince Charles, ang Bollywood legend na si Amitabh Bachan, ang singer na si Pink, ang opera singer na si Placido Domingo, ang American singer, songwriter, musician and composer na si Christopher Cross, ang British Prime Minister na si Boris Johnson, ang First Lady ng Canada na si Sophie Tradeau, ang Brazil President na si Jair Bolsonaro at iba pa.

Dito sa Pilipinas ay may isa nang actor ang pumanaw dahil sa Covid-19, ang veteran actor na si Menggie Cobarrubias  na sumakabilang-buhay nung nakaraang March 26, 2020.  Ang mga mga actor naman na sina Christopher de Leon, Iza Calzado at Michael V. ay nakaranas din nito maging ang apat na senador na sina Sen. Bong Revilla, Sen. Juan Miguel Zubirri, Sen. Koko Pimentel, Sen. Sonny Angara at ilang kongresista at ilang kilalang personalidad.  Sumakabilang-buhay din ang isa sa mga miyembro ng `90s band, ang Mullato  Band na si Joey Bautista dahil sa coronavirus nung nakaraang March 19.

Napakarami na ring mga doctors and nurses at iba pang frontliners ang nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa mapamuksang virus na ito.  Kaya ibayong ingat pa rin ang kailangan ng lahat.