Celebrities who are heroes, too

April 16, 2020

SA gitna ng krisis na kinakaharap ngayon  ng Pilipinas at ng buong mundo dahil sa coronavirus (Covid 19) pandemic, lumabas ang humanitarian side ng maraming tao laluna sa larangan ng negosyo at showbiz.

Napakalaking tulong din  sa panahon ngayon ang social media (including digital platform) dahil  maraming bagay na imposibleng mangyari noon ay naging posible ngayon.  

Who would ever think na magiging posible na ang online fundraising, virtual concerts and shows (from home) at kahit na  ang iba’t ibang  TV programs sa tulong ng Zoom app?

Ang isa sa pinaka-successful virtual concert na sinalihan ng halos 100 stars and artists ng ABS-CBN ay ang “Pantawid ng Pag-ibig: At Home Together Concert” na ginanap nung nakaraang March 22, araw ng Linggo mula alas-7 ng gabi at umabot ng ala-1 ng madaling araw.  Ang nasabing online fund-raising campaign ay nakalikom ng mahigit P200-M sa loob lamang ng halos anim na oras.  Ang proceeds ng fundraising event ay siyang ipinambili ng mga pagkain at iba pang  basic necessities na ipinamamahagi sa iba’t ibang komunidad sa tulong ng mga LGUs (local government units).  Dahil din sa tulong ng modern technology, naging posible ang pagsasama-sama in one major event ng Kapamilya stars and talents mula sa kanilang respective homes.  May mga sumunod pang ibang grupo and individual efforts for fundraising campaigns para lamang makatulong laluna sa mga frontliners (doctors, nurses, hospital staff at iba pang health workers) pati na rin ang ibang pangangailangan ng mga hospitals personal protection equipments (PPEs), alcohol, surgical face masks at iba pa.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang efforts ng dalawang major TV networks, ng mga kilalang celebrities para makatulong sa ating mga kababayan na nangangailangan including the fronliners.

Kung ang mga frontliners ay kinu-consider na modern heroes sa gitna ng Covid-19 crisis, kasama rin sa unsung heroes ang lahat ng mga namuno at nakiisa sa iba’t ibang fund raising compaigns.