Celebrity travel adventures babalikan sa 'Road Trip'

June 12, 2020
Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy and Cassy
Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy and Cassy

SIMULA ngayong Sabado (June 13), babalikan ang mga nakatutuwang biyahe ng mga paborito nating mga artista dahil muling mapapanuod ang travel-reality program na Road Trip pagkatapos ng Imbestigador sa GMA7.

Unang umere ang nasabing public affairs show noong 2017 kung saan tampok ang adventures at life realizations ng mga sikat na artista habang pinapasyalan nila ang iba’t ibang lugar sa loob at pati na sa labas ng Pilipinas.

Ngayong Sabado, muling mapapanuod ang biyahe ng Legaspi family sa napakagandang Batanes. Kasama nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy sa adventure na ito. Ano kaya ang reaction ng Legaspi family kapag muli nilang napanuod ang kanilang bonding sa Norte?