Celebrity weddings, apektado ng COVID-19

March 19, 2020
Richard Gutierrez & Sarah Lahbati

DAHIL sa banta ng COVID-19, may ilang celebrity couples na rin ang nag-urong ng petsa ng kanilang kasal. 

Although natuloy last March 14 ang civil wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ang kanilang grand wedding ay naurong sa ibang petsa.  

The same thing happened with  31-year-old Korean ex-PBB housemate, DJ, actress-host na si Jinri Park at ang kanyang mister na Australia-based Filipino named John.         

Ang dalawa ay ikinasal na sa isang intimate Korean wedding ceremony pero ang kanilang big Manila wedding ay nakatakda sanang mangyari this March,  pero maging ito ay naurong na rin.

Maging ang engaged couple na sina Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte at  2017 Miss Universe-Philippines Fil-British beauty na si Rachel Peters ay na-move din ang petsa ng  kasal. 

Ang iba pang couples na nakatakdang ikasal this year include Angel Locsin and Neil Arce, Alex Gonzaga at Mikee Morado, gayundin angsinger na si  KZ Tandingan at TJ Monterde.