Celebs, mas atat sa Pacquiao-Mayweather rematch

January 19, 2019
Floyd Mayweather and Manny Pacquiao
Floyd Mayweather and Manny Pacquiao

VIVA Pit Senyor Sto. Niño!

Ngayon ang kapistahan ng Sto. Niño at isa na naman sa events na dinarayo sa araw na ito ay ang Sinulog Festival sa Cebu City.

Ilan sa darayo sa Sinulog ay ang Cain at Abel stars na sina Dingdong Dantes, Solenn Heussaff, Sanya Lopez at Dennis Trillo.

Umaga pa lang ay paparada na sila sakay ng Kapuso float.

Magpapakinang din ng festival ang ilang Eat Bulaga Dabarkads na sina Maine Mendoza, Bae Kenneth Medrano at Allan K.

Kasabay ng pagdaraos ng Sto. Niño fiesta at Sinulog ay ang laban ngayong araw ni Senator Manny Pacquiao kay Broner sa Las Vegas.

Sa analysis ng isang boxing analyst, mas lamang ang haba ng karanasan ng Pambansang Kamao sa boksing kumpara kay Broner.

Take note na mahigit 60 fights na ang sinabakan ni Pacquiao kumpara kay Broner na kahalati lang.

Of course, para sa mga Pinoy, gusto pa rin nilang manalo ang ating Pambasang Kamao, huh!

Pero ayon sa ibang celebrities, mas excited sila sa rematch ni Manny kay Floyd Mayweather kung ito ay matutuloy.