Chair Liza tinanggal sa MMFF

July 30, 2020
Liza Diño

NANANAWAGAN ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair na si Liza Dino na sana’y magkaisa ang mga taga-industriya kesa magkawatak-watak.

“This is what we need now  dahil ang ating industriya ang isa sa hardly-hit sa panahon ng pandemya,” pahayag ni Liza.

Nasa gitna na naman ng kontrobersiya si Chairperson Dino dahil sa pagkakatanggal sa kanya bilang miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival na labis din niyang ikinabigla.  Ang pakiramdam niya, she was not even given a day in court para malaman niya kung ano ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya sa MMFF.

Pinasinungalingan din ni Chairman Liza ang alegasyon na kesyo nagla-lobby umano siya na mapunta sa pamumuno niya ang MMFF na tahasan niyang dinenay. Kung meron man daw siya nilo-lobby ngayon ay ang mapasa ang Eddie Garcia Bill sa Kongreso na malaking tulong sa mga industry worker laluna sa mga artista.