Charee ikinasal sa pinsan ni Shalani

March 01, 2020
Charee Pineda and Martell Soledad
Charee with hubby Martell Soledad

NITO lamang Sabado, February 28, ikinasal sa pamamagitan ng civil wedding ang Kapuso actress-turned politician na si Charee Pineda  sa kanyang longtime boyfriend at dati ring konsehal na si Martell Soledad, pinsan ni Shalani Soledad-Romulo na misis naman ni Pasig Rep. Roman Romulo.

Ang civil wedding nina Charee at Martell ay ginanap sa Valenzuela City Hall nung nakaraang Sabado, February 28 na dinaluhan ng Kapuso actress at kaibigan ni Charee  na si Yasmien Kurdi at mister nitong piloto na si Rey Soldevilla.

Sa darating na March 14 ay ikakasal naman ang engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Clueless pa rin ang publiko kung kelan at saan  magaganap ang wedding nina Angel Locsina at Neil Arce gayundin sina Alex Gonzaga at Mikee Morada, KZ Tandingan at TJ Monterde at iba pa.