Cheska hindi madali ang bagong pagbubuntis

April 11, 2019
Cheska Garcia and Doug Kramer
Cheska Garcia and Doug Kramer

MATAPOS manganak ng tatlong beses (sa normal na proseso), nagpa-ligate na ang actress at celebrity endorser na si Cheska Garcia-Kramer, misis ng cager na si Doug Kramer. Pero humihiling pa ang mga anak nilang sina Kendra (9), Scarlett (7) at Gavin (6),  ng baby no. 4, either a baby sister or brother.

At dahil ligated na si Cheska, hindi magiging madali ang proseso kung muli itong magbubuntis sa traditional na pamamaraan.  Dito pumasok ang pag-entertain nila ng makabagong medical procedure na IVF or in vitro fertilization na kanilang sinimulan nung nakaraang buwan.  Ang developed embryo ng pinagsamang fertile egg cell at sperm cell ng mag-asawa ay inilipat kay Cheska na siyang magiging simula ng kanyang muling pagbubuntis. Malalaman nila in the next couple of weeks kung ito'y positive o hindi.

Sa October 9 ay isi-celebrate ng mag-asawang Doug at Cheska ang kanilang ika-11 wedding anniversary at bago ito dumating ay malamang na nakalipat na sila sa kanilang bagong tayong bahay na may infinity pool, movie theater room, playground, treehouse at garden.

Sa kanilang 10th anniversary, sinorpresa ni Cheska ang kanyang mister ng kanilang renewal of vows na labis na ikinatuwa ni Doug kaya hindi nito napigilan ang maluha.

Ang Kramer family ay isa sa successful celebrity family endorsers tulad ng pamilya ni Aga Muhlach at ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.