Chin Chin ganap nang madre bilang Sister Lourdes

August 25, 2020
Chin Chin Gutierrez

ISA nang ganap na Carmelite nun ang dating actress at environmentalist na si Chin Chin Gutierrez (51) at Sister Lourdes ang tawag sa kanya ngayon.

Chin Chin is Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez at ulilang lubos sa kanyang parents na sina Dr. Hermes Gutierrez na isang botanist habang painter naman ang kanyang inang si  Cecilia Arnaldo-Gutierrez na dati ring nun of the Franciscan Missionary of Mary.

Si Chin Chin ay nagtapos ng Communication Arts sa Miriam College at kumuha ng combined MA/PhD program in Organizational Development major in Transformative Spirituality sa Southeast Asia Interdisciplinary Development Institute (SAIDI).

Tinalikuran ni Chin Chin ang kanyang acting career in 2010.

We first met Chin Chin personally nang ito’ygumawa ng movie saOctoArts Films (my former company), ang award-winning Metro Manila Film Festival entry na “Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story” na pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon at dinirek ni Laurice Guillen.  From then on ay nagtuluy-tuloy na ang acting career ni Chin Chin na tatlong beses nanalo sa Asia’s Television Awards – isang Best Actress at dalawang Best Supporting Actress.

Si Chin Chin ay pamangkin ng namayapang LVN veteran actress na si Lita Gutierrez.  She was the founding chair and president ng ecological foundation na Alaga LAHAT na member ng Eco-Waste Coalition.  She was also a founding member and officer ng Mother Earth Foundation.