Christian nagpaliwanag

March 02, 2019

SA launch ng summer workshop ng Star Magic Workshops na pinamumunuan ng writer-director at professor na si Direk Rahyan Carlos klinaro ng award-winning actor na si Christian Bables (isa sa mga successful graduates ng naturang workshop at host nang hapong 'yun) na hindi umano siya umatras sa pelikulang “Born Beautiful” kaya napunta ang role sa Kapuso actor na si Martin del Rosario.

Nagkaroon lamang daw ng  hindi pagkaka-unawaan  sa pagitan ng dati niyang manager at nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company.   

In fact, nakahanda na siya sa lahat. "Yung mga gagamitin kong boobs, pati pampalaki ng balakang as Barbie, talagang inayos ko na lahat," kuwento pa ni Christian. "Kaya lang, may mga hindi sila napagkasunduan ng dati kong manager."

Si Christian ay nasa pangangalaga na ngayon ng King of Talk na si Boy Abunda.

At para patunayan na wala silang problema nina Direk Jun at Direk Perci, may isa umano siyang bagong movie na sisimulan sa The IdeaFirst Company.

Si Christian ay regular na napapanood sa top-rating primetime TV series na “Halik” na tinatampukan nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion.