Christopher nag-celebrate ng 40th year with Sandy pagkatapos lumabas ng ospital for Covid-19

March 28, 2020
Christopher De Leon and Sandy Andolong
Christopher De Leon and Sandy Andolong

DRAMA king Christopher de Leon and actress Sandy Andololong celebrated their 40th wedding anniversary on quarantine at home last March 27, Friday away from their other children (except for their youngest Mica) na sina Rafael,  Miguel, Gabriel at Mariel na nasa  ibang bansa .  Wala rin siyempre ang kanilang ibang mga kaanak at mga kaibigan dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sanhi ng outbreak ng coronavirus (Covid-19) kung saan pati si Boyet (palayaw ni Christopher) ay hindi naligtas.  Thankfully, nakalabas na ng pagamutan si Boyet after eight days of confinement at nakauwi ito ng bahay nung gabi ng March 24, three days before his and wife Sandy’s wedding anniversary.

Hindi ikinakaila  nina  Boyet at Sandy na maraming challenges ang kanilang sinuong bilang mag-asawa, enough for them na panghinaan ng loob o muntik mauwi sa paghihiwalay pero ang mga ito ang nagpatatag sa kanilang pagsasama.

Samantala, kung si Boyet ay magaling na sa kanyang pagiging positibo ng Covid-19, negatibo naman sa test ang misis niyang si Sandy pero nananatili sila sa home quarantine kasama ang kanilang bunsong anak na si Mica maging ang kanilang mga kasambahay at pagpa-practice sila ng physical distancing sa kanilang bahay.