Coco may dapat bang aminin tungkol kay Julia?

April 11, 2019
Coco Martin and Julia Montes

COCO Martin is at the peak of his career.

Mula sa pagiging ekstra, ngayon superstar na. Bukod sa pagiging artista, producer at direktor na rin. Kaya sobrang layo na ng itinakbo ng kanyang karera. Sa puntong ito, masasabing nasa kanya na ang lahat ng materyal na bagay. But despite all the fame and fortune, there still seems to be a missing piece.

May mala-palasyo na nga siyang bahay pero wala pa rin siyang reyna na ititira doon. Wala naman kasi tayong nababalitaan na babaeng nagmamay-ari na ng kanyang puso. O sadyang malihim lang ang aktor. Hanggang ngayon wala pa rin naman kumpirmasyon galing sa kanya kung may relasyon nga sila ni Julia Montes o wala.

Speaking of Julia, hindi pa rin ito nagpapakita sa TV o sa anumang showbiz event. Sinilip namin ang kanyang IG account; at wala siyang gaanong entry. Tahimik din ang kanyang kampo. Sigurado kami na alam niya na hindi pa rin  mamatay-matay ang isyu tungkol sa umano'y pagbubuntis niya. At balitang nanganak na, ayon na rin sa mga blind item na naglabasan kamakailan. Pero parang dedma lang sila sa lahat ng usap-usapan. Tanong nga ng isa kong kaibigang writer, "ayaw na ba niyang mag-artista?"

Sa gitna ng usapin, tahimik ang aktres at ang kanyang management team. Maging si Coco, na nali-link sa kanya, tahimik din sa isyu. Ang tanong: May dapat bang aminin si Coco hinggil sa diumano'y pagbubuntis (o panganganak) ni Julia? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.