Coco tinulungan ang pamilya ng namayapang kasamahan

February 27, 2019
Coco Martin

MULING lumabas ang pagiging `bayani’ ng “FPJ’s Ang Probinsyano” lead star at co-director na si Coco Martin sa tunay na buhay nang ito’y dumalaw sa burol ng 36-year-old indie actor na si Kristofer King (Christopher Reyes sa tunay na buhay) kasama ang award-winning indie director na si Brillante Mendoza nung nakaraang Lunes ng gabi, February 25 sa Rizal Funeral Homes sa Cementina, Pasay City.

Si Coco ang tumayong savior sa pamilya ni Kritostofer dahil mababayaran na nila ang hospital bills pati na ang gastusin sa burol at libing ng namayapang actor.

Sa post birthday get-together with the entertainment media ng award-winning actor-turned politician na si Yul Servo (John Martin C. Nieto sa tunay na buhay), kinatawan ng ika-3rd district ng Maynila na ginanap sa 77 Limbaga Café Restaurant in Quezon City last Monday evening  ay nangulekta rin si Jun Lalin ng  donasyon para kay Kristofer at nakalikom din ito halaga.

Sa tulong ni Coco at ng ilang taga-industriya, tiyak na matutuloy na ang libing ni Kristofer sa darating na Marso 3.