Coleen manganganak na

August 17, 2020
Coleen Garcia

ANYDAY now ay nakatakdang isilang ng actress na si Coleen Luna ang magiging first baby nila ng mister niyang singer-actor-TV host na si Billy Crawford. The couple is expecting a baby boy.

Sina Billy at Coleen ay ikinasal nung April 20, 2018 sa Balesin Island in Quezon.  Ang dalawa ay naging close sa isa’t isa nang sila’y magkasama dati sa long-runing noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” kung saan hindi na sila pareho kabilang.

Ang magiging first born ng mag-asawang Billy at Coleen ay parehong unang apo ng respective parents ng mag-asawa.  Sina Mayette Ledesma at Jack Crawford ang parents ni Billy habang sina Maripaz Magsaysay at Jose Garcia naman ang mga magulang ni Coleen.