Comedians, sanib-puwersa sa grupong ‘COVIDYANTE’

April 18, 2020
Comedians

SANIB-PUWERSA ang mga comedian mula sa Kapuso at Kapamilya networks para tulungan ang mga frontliner sa mga pangangailagnan sa panahon ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Ceasefire muna sa network war ang mga kasapi sa grupo para sa iisang layunin lalo na’t halos cast ng “Bubble Gang” ng Kapuso Network at “Banana Sundae” ng Kapamilya Network ay nakiisa sa magandang layunin ng samahan.

Pinangunahan nina Ogie Acasid, Herbert Bautista, Janno Gibbs, Padilla brothers, Dennis at Gene ang pagbuo ng grupo at nag-iiisip pa sila ng gagawin upang makatulong.

Kasama rin si Vhong Navarro na nag-suggest ng challenge para ipakita ang suporta sa frontliners.

Sina Janno at Jerald Napoles ang namahala sa social media account ng grupo habang si Ai-Ai de las Alas naman ang magbi-bake ng tinapay para ipamigay sa iba’t ibang sector.

Sumapi rin sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Ryan Bang at Candy Pangilinan.

Inaasahan din ang pagsama sa “Covidyante” ng iba pang komedyante.

Ang official hashtag ng grupo ay #PunchlinersForFrontliners.