Covid 19 walang pinipiling dapuan

March 19, 2020
Juan Miguel “Migz” Zubiri

SI Senator  Migz Zubirri ang kauna-unahang kilalang Filipino personality who was tested positive ng coronavirus at  siya ay naka-self-quarantine na ngayon sa kanilang bahay at patuloy na mino-monitor ng mga doktor.

Sumunod sa kanya ang aktor na si Christopher de Leon, kaya naman ang lahat ng nakasama niya sa TV series na “Love Thy Woman” ay pinamo-monitor na rin.

Ang coronavirus ay walang pinipili ng dadapuan.

Ang mag-asawang American actors na sina Tom Hanks at Rita Wilson ay nakalabas na ng pagamutan sa Queensland, Australia at naka-quarantine ngayon sa bahay na kanilang tinutuluyan sa Australia, habang ang British actor na si Idris Elba ay ang pinakabagong kilalang personalidad na  dinapuan ng deadly virus.

Samantala, nakakabilib ang mga katulad nina Angel Locsin, Pokwang, Bela Padilla at iba pang showbiz personalities na patuloy ang pagtulong sa kanilang kapwa sa gitna ng kinakaharap na krisis ng  ating bansa at  buong mundo na sa halip na mag-stay lamang ng bahay at hintaying humupa ang banta ng COVID 19.

At sa gitna ng krisis, napakalaking papel din ang ginagawang public service ng ABS-CBN at GMA 7 at kani-kanilang  radio stations sa paghahatid ng mga impormasyon na dapat malaman ng publiko.

Ang isa pang mino-monitor ngayon  ng mga doctor ay ang Presidential son at vice-mayor ng Davao na si Baste Duterte na nagpakita ng sintomas ng coronavirus.

Nadagdagan naman ang mga international celebrities na positibo sa test ng COVID 19,  ang “Game of Thrones” actor na si Kristofer Hivyu at ang ex-Bond leading-lady na si Olga Kurylenko.