COVID dapat seryosohin

August 21, 2020
Iza Calzado

DAPAT seryosohin ng publiko ang coronavirus (Covid-19) na kumitil na ng maraming buhay hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Dito lamang sa Pilipinas ay halos 180,000 na ang kinapitan ng coronavirus at halos 3,000 na ang nasawi.

Dumarami na rin among the celebrities ang kinapitan ng mapamuksang virus habang ang ilan sa kanila ay sumakabilang-buhay.

Kasama sa mga kilalang personalidad ang nasawi dahil sa coronavirus ang veteran actor na si Menggie Cobarrubias, ang singer na si Jose Bautista ng Mulatto Band, ang dating senador na si Heherson Alvarez at ang dating Mayor ng Maynila na si Alfredo `Fred’ Lim.

Samantala, among the Covid-19 survivors include Christopher de Leon, Iza Calzado, couple Sylvia Sanchez and Art Atayde, Michael V., Lovely Abella, ang mga senador na sina Juan Miguel Zubiri, Koko Pimentel, Sonny Angara at iba pa habang nagpapagaling pa ngayon sa pagamutan si Sen. Bong Revilla.

Ugaliing sumunod sa social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay,  ang paggamit ng alcohol o sanitizer at kung maaari ay iwasan ang matataong lugar.

Ang kaligtasan mo ay kaligtasan ng iyong pamilya.   

Samantala, abot na ng halos tatlong libo ang nasawi sa Covid-19 at halos 180,000 naman ang nag-positibo at kinapitan ng virus sa Pilipinas.