Cristine 'di kasama ang ex-husband sa Bangkok pero ayaw pang umamin

February 07, 2019
Cristine Reyes

UP to this time ay wala pa ring direktang pag-amin ang (ex?) couple na sina Cristine Reyes at ang MMA artist-actor na si Ali Khatibi sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Napabalita nung isang taon na hiwalay na umano ang dalawa bagay na ayaw kumpirmahin ng dalawa.

Sa ika-30th birthday ni Cristine last February 5 ay ang dalawa niyang kapatid na babae na sina Ara Mina at Heidi Reyes ang kanyang kasama sa isang beach resort in Bangkok, Thailand.  Umalis ang magkakapatid patungong Bangkok last February 3.

Ngayong nakabalik na siya ng Maynila ay balik siya sa kanyang busy grind.  Magiging abala siya sa promo ng kanyang upcoming action-thriller movie na “Maria” maging sa taping ng bago niyang teleserye sa bakuran ng Kapamilya Network, ang “Nang Ngumiti ang Langit” kung saan niya mga kabituin sina RK Bagatsing, Enzo Pineda, Pilar Pilapil at iba pa.

Nakatakda rin niyang simulan  ang bagong movie niya sa bakuran ng Viva Films  na pagtatambalan nila ni Xian Lim mula sa direksiyon ng “Kita Kita” director na si Sigfrid Bernardo.

Nananatiling inspirasyon kay Cristine ang kayang almost four-year-old daughter na si Amarah.