Cristine ginulat ang manonood sa husay

March 27, 2019
Cristine Reyes
Cristine Reyes

IBA ang angas na ipinakita ng actress na si Cristine Reyes sa kanyang kauna-unahang action film, ang “Maria” na dinirek ni Pedring Lopez under Viva Films, Black-Ops Studios Asia and PsyOps na nagbukas sa mga sinehan nationwide last Wednesday, March 17.

Sa totoo lang, marami ang ginulat ni Cristine bilang bagong ‘action princess’ dahil kitang-kita ang mahusay niyang pagka-kaganap sa mga fight and action routines sa pelikula.  Nakatulong din nang malaki ang kanyang training sa mixed martial arts.

Bukod kay Cristine, nagpakitang-gilas din si KC Montero na napaka-effective bilang kontrabida sa pelikula.

Although ilang pelikula pa lamang ang nagawa ni Pedring Lopez, nakatulong nang malaki ang kanyang visual experience as director sa TV commercials and music videos bukod pa sa kanyang expertise in video editing and visual effects.

Although may pagka-gory ang “Maria,” tiyak na ito’y maiibigan ng mahihilig sa action films na may foreign touch ang atake ng pelikula na tinampukan din nina Ivan Padilla,  Freddie Webb, Ronnie Lazaro, Guji Lorenzano, Jennifer Lee, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, LA Santos at iba pa.