Cristine at Mister wala pang inaamin sa hiwalayan

February 15, 2019
Cristine Reyes and Ali Khatibi
Cristine Reyes and Ali Khatibi

BAGO nagtapos ang taong 2018 ay sumabog ang paghihiwalay ng mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi pero walang inamin sa publiko ang dating mag-asawa na may four-year-old daughter na si Amarah.

Sa recent birthday celebration  ni Cristine (her 30th) which she celebrated sa isang beach in Bangkok, Thailand ay hindi kasama ng singer-actress ang dating mister at sa halip ay ang kanyang mga kapatid na sina Ara Mina at Heidi Reyes-Gatmaytan.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Cristine at Ali pero hindi lamang nagsalita ang magkabilang kampo?  Ang isa umanong itinurong dahilan ng paghihiwalay nina Cristine at Ali ay ang hindi pagkakaroon ng stable na trabaho ng huli.

Huling nakitang magkasama ang former couple sa Christmas party (December 2018) ng kanilang anak na si Amarah.

Malapit nang mapanood si Cristine sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Nang Ngumiti ang Langit” kung saan niya kasama sina Enzo Pineda, Matet de Leon, Keempee de Leon at iba pa.

Tapos na rin niyang gawin ang pelikulang “Maria” and soon to start a movie with Xian Lim  under Viva Films na nakatakdang idirek ni Sigrid Bernardo of “Kita Kita” fame.