Cristine at Xian pinahirapan ng direktor

February 11, 2020

UNANG ipinalabas ang Untrue sa QCinema International Film Festival noong October 2019 at ang mahusay na pagganap nina Cristine Reyes at Xian Lim ang napuna at pinuri ng manonood.

Hindi naging madali para kina Cristine at Xian na gawin ang mga karakter na ginampanan nila dahil bago sila lumipad sa Georgia para sa principal photography ng pelikula, nagkaroon sila ng mga rehearsal, kasama si Sigrid Andrea Bernardo, ang writer at direktor ng pelikula ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa February 19, 2020.
    
Ikinuwento nina Cristine at Xian na “Never” ang favorite expression ni Sigrid dahil ginagawa nito ang lahat ng gusto para sa ikagaganda ng kanilang pelikula.

Ayon kay Sigrid, gusto niya na magdirek na lamang siya sa kanyang next movie project dahil talagang nauubos ang kanyang oras  sa pagsusulat ng kuwento at script.