Daddy ni Ice stage 4 na ang cancer

August 22, 2020
Aiza Seguerra

NASA stage 4 na ang prostate cancer ni Daddy Dick Seguerra, ang butihing ama ng actor-singer na si Ice Seguerra at nag-metastasize na ito sa ibang bahagi ng kanyang bones.  Pero sa kabila nito ay patuloy pa ring umaasa si Ice na mabigyan pa ang kanyang ama ng mahabang buhay para matagal pa nila itong makasama.

Nagpapasalamat din si Ice sa kanyang adopted brother na hindi nagpapabaya sa kanyang parents.

“Napakahirap siguro ng sitwasyon ng parents ko ngayon kung hindi dahil sa brother ko,” aniya.

Ice, a transman, is married to Liza Dino, ang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), actress at dating beauty queen.  The couple got married in San Francisco, California, USA nung December 14, 2014 na sinundan ng formal ceremony sa Pilipinas nung January 8, 2015 na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

Si Ice (formerly Aiza Seguerra) ay three years old lamang nang siya’y tanghaling “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga”.  Ito ang  naging daan para siya’y maging isang child star.  Growing up, na-develop ang talent ni Ice bilang isang singer, songwriter and musician.  He resurfaced as a singer nang kanyang kantahin ang OPM classic hit na ngayon na “Pagdating ng Panahon” na kinompos nina Moy Ortiz (ng The Company) at ng magkapatid na Edith and Margot Gallardo). Yun ang naging simula para ma-recognize si Ice bilang isang OPM artist and hitmaker.

Si Ice ay nagtapos ng Fine Arts and Design sa University of Sto. Tomas.

It was in August 2007 nang mag-out si Ice bilang lesbian at nung August 2014 ay isa na siyang transgender man.

Samantala, ano na kaya ang nangyari sa plano ng couple na  Ice at Liza na magkaroon ng anak sa tulong ng IVF (in vitro fertilization)?