Daiana ligtas na sa breast cancer

February 19, 2020

NAGPAPASALAMAT sa Panginoong Diyos ang Brazilian model/TV host/ actress na si Daiana Menezes dahil nagtagumpay siya sa kanyang breast cancer battle.

Dalawang taon na ang nakararaan nang makumpirma ni Daiana na may stage 2B breast cancer siya.

Imbes na panghinaan ng loob, nagpakatatag si Daiana at pinili niya ang natural na paraan ng pagpapagamot.

After two years, mas malusog ang pakiramdam ni Daiana dahil nakatulong  ang pagbabago niya ng lifestyle at naging mapili siya sa mga pagkain. Higit sa lahat, lalong tumibay ang kanyang pananalig  sa Panginoong Diyos na naging sandalan niya nang makaranas siya ng matinding pagsubok.

“It’s been great! I am now a recording artist again after 12 years and it feels like home, my body and mind are my holy and sacred place, my home again.

“I also make time to work on advocacies like being an HIV awareness ambassador for 11 years now and they even chose one of my original songs for the campaign,” ang magandang balita na ipinarating ni Daiana sa Seen Scene.