Dalawang ex ng aktor, naging close sa isa't isa

March 18, 2019
Meryl Soriano & Jerika Ejercito

NAKATUTUWA ang dalawang exes ng aktor na si Bernard Palanca na sina Meryl Soriano (anak nina Willie Revillame at Bec-Bec Soriano) at Jerika Ejercito (anak nina dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada at dating aktres Laarni Enriquez) dahil naging close silang magkaibigan.

May tig-isang anak na lalaki si Bernard sa dalawa, sina Elijah (kay Meryl) at Isaiah (kay Jerika) at ang mga nabanggit na half-brothers ay close rin sa isa't isa.

May asawa na rin ngayon si Jerika, ang Spanish triathlete na si Miguel Aguilar Garcia. Ikinasal ang dalawa nung August 12, 2017 at meron na rin silang anak, ang twins na sina Daniel at Michael Garcia na isinilang in January 2018.

Bukod sa pagiging close sa half-sibling, may iba pang itinuturong maganda si Meryl sa anak. At an early age ay iminumulat na ni Meryl ang 10-year-old son na si Elijah sa kahalagahan ng pera at kung paano ito iingatan. Nakita ni Meryl na may kakaibang talent ang kanyang anak sa pagdu-drawing at paggawa ng iba’t ibang sketches.  Ito ang nag-udyok sa actress na i-encourage ang anak na sa murang edad nito ay magkaroon na ng sariling T-shirt line business na may pangalang Booboo. At suportado siyempre ito maging ng lolo Willie ni Elijah.

Samantala, parang magkapatid lang ang turingan nina Elijah at tiyuhing si Juamee, ang 12-year-old son ni Willie sa kanyang ex-wife na si Liz Almoro.  Dahil two years lamang ang agwat ng kanilang edad, sila ang madalas na magkasama sa pamamasyal sa mall, sa paglalaro ng internet games at iba pa.