Daniel, saludo kina Kathryn at Charo

May 24, 2020
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

Bilib na bilib si Daniel Padilla sa husay umarte ng girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

May isang eksena raw sila minsan na talagang natulala siya.

“Meron kaming confrontation sa bahay nu’ng brownout,” kwento ni Daniel sa Facebook live tsikahan nila nina Direk Adolf Alix Jr., Joshua Garcia at Zanjoe Marudo, “du’n ako naano, sabi ko, ‘hayup ‘tong si Kathryn na ‘to.’

“Paano niya nakukuha at paano niya nasu-sustain ‘yung emosyon at ‘yung haba ng linya, eh, siyempre, ‘di ba, alam mo ‘yun? Parang... ‘pag nilagay ko ‘yung sarili ko du’n, hindi ko ‘ata kaya ‘yun, alam mo ‘yun? ‘Yung may ganu’n.

“So, isa ‘yun sa na-struck ako sa kanya at isa ‘yun sa... ‘yun ‘yung nadadala ka, eh. ‘Yung emosyon na ‘yun. Biglang makakalimutan mo ‘yung mga camera sa paligid mo. Biglang... ‘ano to, nag-aaway ba talaga tayo?’ Alam mo ‘yun?”

Ang pangalawang aktres daw na bilib na bilib siya ay si Charo Santos na kasama niya sa pelikulang sinimulan na nilang gawin bago pa nagkaroon ng enhanced community quarantine.

Ang buong pelikula raw ay in Waray ang dialect since ang role nila mga Taclobanon.

“Si Ma’am Charo, knowing na hindi naman siya marunong mag-Waray, malamang, hindi naman siya taga-Tacloban, pero kung paano niya trinabaho mag-Waray, maa-amaze ka sa kanya.

“Saka meron kaming isang confrontation scene rin na sobrang intense na ang husay ni Ma’am Charo,” papuri ni Daniel.

Humanga raw siya talaga sa dedikasyon at husay ni Charo sa trabaho.

“Kaya lalo na naman akong nadagdagan ng passion ko lalo na naman sa pag-arte at lagi kapag kaeksena ko siya sa pelikula, eh, kailangan kong ibigay sa kanya.”

Kwento pa ni DJ, siya ay Taclobanon na pero hirap na hirap pa rin siya sa Waray lines at nabubulol pa kaya may scene na paulit-ulit sila.

“Ako pa ‘yung nagkakamali, oh, my God,” sabi ni Daniel.

Pero nakapa-supportive raw ni Charo at sey pa ng aktor, sobrang ganda ng experience niya while working with her.