Darna movie doomed from the start?

August 18, 2020
Angel Locsin, Jane de Leon,Liza Soberano

MUKHANG doomed from the start ang bagong filming ng classic heroine na “Darna” na katha ng legendary novelist na si Mars Ravelo na dapat sana’y pagbibidahan ni Angel Locsin na siyang gumanap sa same character sa telebisyon (GMA) nung 2005.    

Nakuha ng Star Cinema ang panibagong  rights ng muling pagsasapelikula ng “Darna” which was originally intended for Angel at pamamahalaan ng director na si Erik Matti.

Dahil sa heavy physical training ni Angel in preparation for the role, nagkaroon siya ng disc bulge na siyang naging sanhi ng kanyang pagba-back out sa nasabing proyekto.  Eventually, she was replaced by Liza Soberano na nagkaroon naman ng injury sa kanyang finger na siya ring naging daan ng kanyang pag-atras sa proyekto.

Sa ikatlong pagkakataon ay muling sumugal ang Star Cinema ng ABS-CBN sa baguhang young actress na si Jane de Leon na kailangan ding sumailalim ng massive training for the role.  Nagpalit din ng director at pumasok ang writer-director na si Jerrold Tarog na siyang nagdirek ng hit historical movie ni John Arcilla, ang “Heneral Luna.” 

Bago ang pandemic ay nakapag-shooting na si Jane ng “Darna” na siyang biggest break ng dumating sa kanya.  Pero hindi ito natapos dahil sa lockdown.

The movie is intended for the Metro Manila Film Festival pero dahil sa sitwasyon ay wala pa ring kasiguraduhan kung ito’y matutuloy pa lalupa’t marami ang  restrictions ngayon sa filming ng pelikula.

Napakalaki na umano ang nagastos ng Star Cinema for the “Darna” project.