DARREN MATAGAL NANG NA-LINK KAY CASSY

March 08, 2020
Cassy Legaspi & Darren Espanto

ISANG malapit kay Cassy Legaspi ang nagsabi na talagang magkaibigan sila ni Darren Espanto, ang bagong celebrity endorser ng Spruce & Dash, ang men’s line ng Beautederm.

Ikinuwento ng Seen Scene source na naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa noong hindi pa lumilipat sa GMA 7 si Cassy at ang twin brother nito na si Mavy.

At kahit Kapuso star na si Cassy, may communication pa rin sila ni Darren na minsan nang na-link sa kanya.

Nabanggit ang pangalan ni Cassy nang ipakilala si Darren bilang ambassador ng Spruce & Dash dahil napag-usapan ang lovelife ng 18-year-old singer.

Tulad ng ibang mga aktor at singer na nakasentro ang atensyon sa career, wala pa sa plano ni Darren ang makipagrelasyon pero iginiit niya na magkaibigan sila ng anak na dalaga nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

At kagaya ng ibang mga ambassador ng Beautederm, pinatotohanan ni Darren na loyal ito sa mga produkto na kanyang ini-endorso.

“I love the products of Beautederm and this is the brand that I really use in my personal hygiene and grooming,” ang pahayag ni Darren.

Para naman sa Beautederm CEO na si Rhea Tan, isang malaking karangalan na pumayag si Darren na maging ambassador ng kompanya niya.

“I believe that Darren will be very instrumental for the brand to reach a younger market.Darren is one of the biggest young stars today and yet he remains very humble and he is one of the most pleasant and nicest artists that we ever worked with.We at Beautederm are overjoyed to have him on board,” ani Rhea.