Darren nakalikom ng P800 thousand sa online concert

May 29, 2020
Darren Espanto
Darren Espanto

NAGPAPASALAMAT ang 19-year-old Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto sa lahat ng sumuporta sa kanyang birthday online concert last Sunday, May 24 dahil ito’y nakalikom ng mahigit P800,000 pesos na ang beneficiary ay ang “Pantawid Pag-ibig” ng ABS-CBN.

Bukod sa kanyang pamilya at fans, pinasalamatan din ni Darren ang kanyang management company (Star Magic and MCA Records) for making things possible.  

Ang birthday online concert ni Darren na pinamagatang “Darren Espanto: Birthday Concert (From Home)” was streamed live sa kanyang official Facebook page kung saan niya naging special guest performers sina Gary Valenciano at Moira de la Torre.

On his birthday ay binati siya ng celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Hindi man si Darren ang tinanghal na kampeon sa kauna-unahang season ng “The Voice Kids – Philippines” where he placed next to the champion Lyca Gairanod, hindi naman ito naging dahilan para hindi niya maabot ang kanyang mga pangarap sa tulong ng Star Magic and MCA Music and his growing fans.

Darren debuted as an actor sa mega hit movie na “The Hows of Us” na pinagbidahan ng real life sweethearts and loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Since nasubukan na rin ni Darren ang acting, umaasa ang kanyang mga tagahanga na muling masusundan ang kanyang acting project either sa pelikula o sa isang TV series.  Bukas naman si Darren sa posibilidad na ito.