Daryl Ong  biktima ng power tripping?

June 18, 2020
Daryl Ong and Bugoy Drilon
Daryl Ong and Bugoy Drilon

DARYL Ong is now on hot seat.

Matapos lumabas ang kuwento ng diumano'y pagkakasibak niya sa ABS-CBN bago ang lockdown, patuloy naman na umaani ng iba’t-ibang reaksyon ang kanyang mga pahayag.

Ikinuwento ni Daryl sa kanyang sariling You Tube channel kung bakit siya na-ban sa network, kasama si Bugoy Drilon. Ayon sa kanya, may nag-record daw sa kanilang conversation ni Bugoy sa airport habang naghinihintay ng flight patungong Iloilo. Lumalabas na hindi raw siya nakikisimpatiya sa pinagdadaanan ng network. Kaya ang dating sa mga bossing  ay wala siyang utang na loob.

Sa ngayon, side pa lang ni Daryl ang napapakinggan. Pero base sa kuwento niya, malinaw na biktima sila ni Bugoy ng powerplay ng mga bossing sa network. Ito ang kultura diumano na pilit binubuwag ng ilang naging biktima ng mga sinasabing power tripper. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang ganitong sistema.

Ilang beses nang ibinunyag ang ganitong kalakaran sa Kapamilya network ng ilang mga naging biktima nito. Banggitin natin ang ilan sa mga pinaka-recent. Una, ‘yung sexual harrasment case na isinampa ng showbiz correspondent na si Gretchen Fullido laban sa ilang executives at colleagues. Pangalawa, ang pagsibak diumano kay DZMM anchor Jobert Sucaldito na 'di raw dumaan sa tamang proseso. Dahilan para magsampa si Sucaldito ng demanda laban sa network. Vocal din siya sa power tripping ng ilang Kapamilya executive. At dagdag pa niya na talagang may "mafia" sa loob ng network. Totoo kaya ito?

Sa pinagdadaanang kalbaryo ng ABS-CBN kaugnay ng franchise renewal nito, sana'y masilip din ng mga Lopez ang ilang abusadong executive na sumisira sa kanilang network. At sibakin ang mga ito.

Sa pagkukuwentong ito ni Daryl, may ibang Kapamilya celebrities pa kayang naging biktima ng power tripping ang matapang na magsasalita tungkol sa kanilang experience? Just asking...


Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com