Dating miyembro ng Guwapings nagda-drive ng tricycle

August 16, 2020
Eric Fructuoso

NAG-VIRAL ang pinost ng 44-year-old actor na si Eric Fructuoso na nagmamaneho siya ng isang tricycle at marami ang naniwala na namamasada na siya ngayon ng tricycle dahil sa lockdown.  Marami rin ang humanga sa kanya dahil sa kanyang pagiging madiskarte sa panahon ng pandemya na marami ang walangtrabaho (including actors like him) at nagugutom.

Ayon sa actor, ang tricycle ay hindi umano sa kanya kundi sa kanyang kaibigan at ginawa umano niya ito para maka-inspire dahil ito ay isang marangal na trabaho.

Si Eric ay may sarili na ring pamilya at apat na anak.

Nakilala ang actor bilang isang hip-hop dancer at miyembro ng all-boy group na Gwapings na nabuo in early 1990’s kasama nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Ylanna and later on with Jao Mapa.