Dating production manager sa ABS-CBN namatay sa sama ng loob

July 24, 2020

ALTHOUGH bago pa lamang ang announcement ng ABS-CBN management ng kanilang pagbabawas ng mga empleyado (nationwide and worldwide) at pagsasara ng marami nilang programa (both radio and television) maging ng ibang company affiliates ng Kapamilya network, isa sa mga production managers ng RSB Scripted Format (na pinamumunuan ng Business Unit Head, ang director at TV executive na si Ruel Bayani) na si Mavic Aducayen (55) ay binawian ng buhay nung nakaraang Miyerkules (July 22) dahil sobra nitong dinibdib ang pagkawala ng trabaho.

Tulad ng libu-libong nawalan ng trabaho sa ABS-CBN, si Aducayen ay may pamilyang binubuhay at sinusuportahan.