David may payo sa pagpapatakbo ng negosyo

August 12, 2020
David Licauco
David Licauco

SA edad na 25, marami nang negosyong pinapatakbo ang Kapuso star na si David Licauco. Mayroon siyang franchise ng fast food chain, gym, logistics company, online food delivery service, at ang kasisimula pa lang na health and wellness online one-stop shop, ang ‘As Nature Intended’. 

“There's no specific or particular blueprint that you can follow na magsa-succeed agad itong business na 'to,” paliwag ni David. 

Dagdag pa niya, mahalagang bigyan ng oras at pagtuunan ng pansin ang iyong negosyo upang magtagumpay. “Same naman 'yan sa kahit saang bagay. I think even in relationships, if you invest your time and effort and your whole self tapos wala naman pala, sasabihin mo pinaasa ka, maba-bad trip ka 'di ba? Ganu'n lang din naman 'yung business. Kailangan mo lang din talagang magbigay ng oras para alagaan mo siya in the long run.”