Dayanara gustong bumalik ng Pilipinas

April 07, 2020
Dayanara Torres

MATAPOS tumayong hurado sa 2017 Miss Universe na ginanap sa Pilipinas, nagpahayag si Dayanara Torres na bukas umano siyang bumalik ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang karera rito.

The Philippines will always find a soft spot sa puso ng 1993 Puerto Rican Miss Universe na si Dayanara (45) dahil dito niya inilaan ang unang apat na  taon ng kanyang career matapos niyang ipasa ang kanyang korona sa 1994 Miss Universe winner na si Sushmita Sen (from India) na dito sa Pilipinas ginanap where Charlene Gonzales made it to the Top 6.

Si Dayanara ay isa sa mga original main hosts ng “ASAP” na nagsimula nun 1995 along with ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez kasama si Ariel Rivera at nakagawa rin siya ng isang movies sa Pilipinas at kasama na rito ang “Basta’t Kasama Kita” in 1995 na pinagtambalan nil ani Aga Muhlach at dinirek ni Rory Quintos under Star Cinema.

Halos apat na  taon din siyang naging kasintahan ng actor na si Aga Muhlach na ang misis naman ngayon ay ang dating 1994 Bb. Pilipinas-Universe candidate-turned actress-host-dancer na si Charlene.

Nang bumalik si Dayanara sa Puerto Rico ay ipinagpatuloy niya ang kanyang singing and acting career at doon din niya nakilala ang kanyang ex-husband, ang American-born Puerto Rican singer-songwriter, actor, record and TV producer na si Marc Anthony Muniz.  

Si Danayara ang naging second wife ni Marc Anthony after Maria von Ritchie at sumunod naman sa kanya sina Jennifer Lopez at Shannon de Lima .

Sina Dayanara at Marc Anthony ay may dalawang anak, sina Cristian Anthony (19) at si Ryan Anthony (turning 17 on August 16).

It was on February 4, 2019 nang ma-diagnose si Dayanara ng skin cancer. Pero ang magandang balita ay magaling na siya ngayon after her year-long treatment.  But the sad news,  hiwalay na umano si Dayanara sa kanyang fiancé, ang  Marvel Studios co-president na si Louis D’Esposito.