Dayanara umaasang ’di kakalat ang skin cancer

February 06, 2019
Dayanara Torres with her two sons
Dayanara Torres with her two sons

ANG 44-year-old and former beauty queen (Miss Universe 1993) na si Dayanara Torres was recently diagnosed of melanoma, isang form ng skin cancer.  Naoperahan na ang likod ng kanyang tuhod at may tinanggal ding dalawang lymph nodes sa taas ng kanyang binti.  Umaasa ang ex-girlfriend ng actor na si Aga Muhlach na hindi na ito kakalat sa ibang bahagi ng kanyang katawan at organ.

Si Dayanara na naging bahagi rin ng Philippine showbiz sa loob ng limang taon ay may dalawang anak na parehong lalake sa kanyang ex-husband, ang 50-year-old Latin American popular singer, actor, record and TV producer na si Marc Anthony (Muniz), sina Cristian Marcus at Ryan  Adrian Muniz na pareho nang tinedyer.

Si Yari (palayaw kay Dayanara sa Pilipinas)  ay nahiwalay kay Marc Anthony in 2004 after they got married in 2000.

Ang bagong karelasyon ngayon ni Dayanara ay ang co-president and producer ng Marvel Studios na si Louis D’Soposito.