Dedma!

January 28, 2019
Kiko Estrada & Alyssa Muhlach

Isyu ng pagli-live-in, ’di sinasagot ng showbiz couple.

Hindi sinasagot ng showbiz couple na ito ang tanong ng kanilang followers sa social media kung live-in na sila dahil sa pinu-post nilang picture, laging sa bahay ng aktor ang location.

Hanggang sa pagtulog, magkasama pa rin ang dalawa, na-curious ang followers nila, kaya ganu’n ang tanong.

Wala nga lang silang nakuhang sagot sa couple.

Dedma sila sa tanong ng followers nila. Ang isa sa kanilang followers ang sumagot na last year pa live-in ang couple batay sa mga litrato na pinu-post ng couple na hindi na nga sila naghihiwalay.

Nagtataka lang ang netizens kung bakit hindi pa magpakasal ang showbiz couple na nasa right age na at pareho namang may trabaho.

Tanggap din sila ng kani-kanyang pamilya at present sa family events ng bawat pamilya ang isa’t isa.

Kami na ang sasagot: Siguro hindi pa handang magpakasal ang dalawa. Siguro nag-iipon pa sila at siguro, mas inuuna muna ang kanilang career.

In other words, ’wag natin silang pakialaman o pangunahan sa kanilang desisyon.

* * *

Pinost ni Alyssa Muhlach ang wedding picture nila ni Kiko Estrada sa pelikulang Bato: The General Ronald dela Rosa Story, kung saan sila ang gaganap na young Gen. dela Rosa at ang wife nitong si Nancy dela Rosa.

Pinost naman ni Kiko sa Instagram (IG) niya ang solo pic niya bilang si Gen. dela Rosa.

Nagtaka lang kami kung bakit disabled ang comment box niya for this particular post.

Ayaw niyang may mag-comment?

Nabanggit ni Kiko sa presscon na dahil bilang young Gen. dela Rosa ang role niya, hindi sila nagka-eksena ni Robin, pero masaya siyang makasama ang aktor sa pelikula.

Sa presscon ang isa sa rare moments na nagkita sila ni Robin.

Showing na bukas, Jan. 30, ang Bato sa direction ni Adolf Alix Jr.

May mga nananawagang i-boycott ang pelikula at hindi pabor si Robin doon.