Dennis tumatayong ama ng anak ni Jennylyn

August 17, 2020

ONE year apart lamang ang edad ng respective sons nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang dating partners na sina Patrick Garcia at Carlene Aguilar, sina Alex Jazz Mercado (12) at Calix Andreas Ho (13).

Si Alex Jazz ay anak ni Jennylyn sa actor na si Patrick Garcia habang si Calix Andreas naman ay anak ni Dennis sa dating beauty queen-turned actress na si Carlene Aguilar.

Patrick is already married kay Nikka Martinez at may dalawa na rin silang supling.  Dalawa rin ang anak ni Carlene sa kanyang non-showbiz husband na si Yo Ocampo.

Jennylyn and Dennis have yet to seal their relationship with a marriage certificate pero mukhang wala pa ito sa immediate plans ng couple kahit matagal na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Samantala, last Sunday, August 16 ay 12th birthday ni Alex Jazz at sinorpresa ito ng kanyang Tito Dennis (Trillo) by wearing the boy’s favorite online character, ang musical artist na si Blippi.

Although si Patrick ang biological father ni Alex Jazz, hindi maikakaila ang closeness nito kay Dennis.