Derek ipinasilip ang bagong bahay: Si Andrea na ang reyna?

August 18, 2020
Derek Ramsay
Derek Ramsay

ISANG exclusive tour sa kanyang bagong bahay ang sorpresa ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay sa kanyang fans na napanood sa Unang Hirit noong isang araw.

“I really want to share with you all the stress, all the effort that I had to put in the past years in building this house. Umabot pa nga ng lockdown,” say ng Kapuso actor.

Sa kanyang house tour, ikinuwento ni Derek na lahat ng artworks at masterpieces sa loob ng kanyang tahanan ay gawa ng Filipino artists.

“Kind of like a resort feel but at the same time very very homey,” dagdag na kwento ni Derek tungkol sa napili niyang theme para sa kanyang bahay. 

Marami tuloy ang nagtatanong kung si Andrea Torres na ang iaakyat niyang reyna sa bagong bahay. Itinanggi ng dalawa na nagli-live in o lihim na silang kasal. But with the way things are, mukhang si Andrea na nga ang The One para kay Derek.