Derek Ramsay aminadong nahihirapan na sa krisis

April 23, 2020
Derek Ramsay
Derek Ramsay

WALANG kawala sinuman sa epekto ng COVID-19 pandemic. Aminadong nahihirapan ang hunk actor na si Derek Ramsay habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine. “I'll be honest, I'm not gonna say it's easy. It's really tough.” 

Sa kanyang ipinost na Instagram video, isiniwalat ni Derek na marami siyang natutunan tungkol sa pananampalataya, pamilya, mental health, at overall well-being ngayon. “You just really have to focus, it's a time for reflection. It's a time to realize things that you know, that maybe we've been prioritizing the wrong things in our lives. We've really forgotten what life is really about.”

Bukod sa pagpapadala ng inspirasyon at suporta sa frontliners at higit na apektado ng krisis sa kanyang social media, aktibo rin si Derek sa pagkakawanggawa sa tulong na rin ng AFP at GMA Kapuso Foundation. “Our AFP frontliners are working non stop to help all of us. It was an honor to meet and help these amazing people today. Through the efforts and kindness of @dunkin_ph and Kapuso Foundation, the AFP will be able to bring help to those in need. Mabuhay kayo.”

Samantala, kapag wala nang lockdown, muling magbabalik-telebisyon si Derek sa pagbibidahang action series na Sanggang Dikit kasama ng nobya nitong si Andrea Torres sa GMA Network.