Dianne 17 weeks pregnant

April 13, 2020
Dianne Medina and Rodjun Cruz

SEVENTEEN weeks pregnant na si Dianne Medina, misis ni Rodjun Cruz (Illustre).

Sina Dianne at Rodjun ay ikinasal nung December 21, 2019 sa Manila Cathedral at nitong nakaraang Easter Sunday, April 12 ay ibinalita ng dalawa sa kanilang respective Instagram account ang pagbubuntis ni Dianne.

Ulila nang lubos sa kanilang mga magulang si Rodjun at mga nakababatang kapatid na sina Rayver at Omar.  Hindi na inabutan ng kanilang parents ang pagpapakasal ni Rodjun.

Ang magkakapatid na Rodjun, Rayver at Omar ay nagmula sa kilalang Cruz clan.  Mga tiyuhin nila sina Tirso Cruz III at ang namayapang si Ricky Belmonte (Jessie Cruz) habang mga pinsan naman nila sina Donna Cruz, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz at Geneva Cruz, among others.