Diego handa nang magbalik kahit may pandemya

August 13, 2020
Diego Loyzaga

MATAPOS ang halos dalawang taong pahinga, handang-handa na ang young actor na si Diego Loyzaga na maging aktibong muli sa kanyang showbiz career sa tulong ng kanyang bagong management company, ang Viva Artists Agency (VAA).

Although na-delay ang kanyang showbiz comeback dahil sa pandemya, umaasa si Diego na puwede pa rin siyang maging productive under the present situation.

Malaking tulong kay Diego ang kanyang parents na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano sa kanyang transfer sa pangangalaga ng Viva na nangakong bibigyan siya agad ng proyekto.

Magkasama na rin sina Diego at Marco Gumabao sa bakuran ng Viva.  Ang dalawa ay huling nagkatrabaho sa nagtapos na afternoon TV series ng ABS-CBN, ang “Los Bastardos” and they don’t mind working again in a new project sa bakuran ng Viva Films.