Digital fundraising ni Gary V nakalikom ng P1.2M

August 24, 2020

NAGING matagumpay ang two-hour digital fundraising concert ni Gary Valenciano last Sunday na pinamagatang “Faith Hope Love” para sa ABS-CBN Foundation’s “Pantawid ng Pag-ibig” dahil ito’y nakalikom ng mahigit P1.2M sa loob lamang ng halos 24 oras.

Sa kabila na wala na ang free broadcast ng ABS-CBN both sa radio at television, naapektuhan din ang kanilang pangangalap ng suporta para sa kanilang public  service program pero hindi pa rin sila humihinto sa kanilang pagtulong sa mga taong nangangailangan.

Hardly hit din ang Bantay Bata Foundation ng ABS-CBN dahil sa pagkaka-deny ng franchise ng Kapamilya Network pero patuloy pa rin itong iginagapang para makatulong sa mga abused and neglected children.