Dimples may papel sa engagement ni Angel

July 03, 2019

UNKNOWN to many, ang “The General’s Daughter” star na si Angel Locsin at ang main antagonist ng hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” na si Dimples Romana ay mag-best friends.  Katunayan, malaki ang naging papel ni Dimples sa engagement nina Angel at Neil last June 29 dahil nagpatulong ang film producer fiancé ni Angel kay Dimples na makuha ang ring size ng kanyang BFF.

Malamang na maging bride’s maid si Dimples sa pinaplanong kasal  nina Angel at Neil na hindi pa malaman kung ito’y mangyayari this year o sa isang taon pa.

Ang friendship nina Angel at Dimples ay nagsimula nang magsama ang dalawa sa pelikulang “Love Me Again” in 2008 at naulit sa isang teleserye, ang “Lobo” also on the same year.  Since then ay na-develop na ang pagiging mag-best friends ng dalawa.  Magka-sing edad din sina Angel at Dimples na parehong 34.  Ang kaibahan lang, maagang nag-asawa si Dimples in 2003 kay Boyet Ahmee at meron na silang dalawang kids na sina Callie at Alonzo.

Speaking of Dimples, napakagaling nila pareho ni Beauty Gonzalez sa sinusubaybayang teleserye ng Kapamilya network, ang “Kadenang Ginto” kung saan gumaganap si Dimples as the main contravida as Daniela Mondragon-Bartolome.