Dingdong, inakusahan ng pamumulitika!

January 22, 2019
Dingdong Dantes

Disappointed tiyak si Dingdong Dantes dahil pumasa sa House committee on justice ang pagbaba ng edad ng criminal responsibility from 15 years old to nine years old.

Kontra kasi si Dingdong dito at nag-agree siya kay Atty. Chel Diokno na isa sa mga magiging problema ay ang tratuhing criminal ang mga bata.

Nabanggit din ni Atty. Diokno na may mga batang kriminal na kinukuha ng mga sindikato at dapat, ang sindikato ang pinaparusahan.

Isa pang inirason ni Atty. Diokno ang congestion sa mga kulungan at isasama ang mga bata sa kanila.

So, tweet ni Dingdong: “Agree ako sa iyo, @ChelDiokno! Crucial stage ang childhood and adolescence to one’s development.

“These are periods where psychological, emotional, social and physical aspects are strongly influenced by the surroundings and are formed.

“Instead of focusing on criminalizing children, the government should invest more on creating an enabling environment that will allow young people to be productive members of the society.”

Nakakalungkot lang na may naniniwala pa ring namumulitika si Dingdong kaya nagpapahayag at nagri-react sa mga isyu ng bansa.

Ito’y kahit sinabi na ng aktor na hindi siya tatakbo sa midterm elections ngayong Mayo.

Galing pala sa Cebu City sina Dingdong, Solenn Heussaff, Sanya Lopez at Dennis Trillo, kung saan dumalo sila sa Sinulog Festival para i-promote ang Cain at Abel.