Dingdong at Marian may bagong pinagkakaabalahan

June 09, 2020
Dingdong Dantes & Marian Rivera

BUKOD sa pagtulong sa ating mga kababayan at frontliners sa bansa at pag-aalaga sa kanilang mga anak, may bagong proyekto na pinagkakaabalahan ngayon ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sa Instagram ni Marian, inanunsyo niya ang latest venture nilang mag-asawa sa pamamagitan ng isang video. Aniya, ““Ding Dong? Iisa lang naman ang Ding Dong sa buhay ko. Ano sa tingin niyo? Hmmm... Alamin natin by following @dingdong.ph.” Inulan naman ng positive feedbacks ang comment section ni Marian mula sa kanyang followers na excited na sa pinakabagong business ng mag-asawa.