Dingdong mataas na ang ranggo sa Navy

February 02, 2020
Dingdong Dantes

2006 pa ay reservist na si Dingdong Dantes sa Philippine Marines na nasa ilalim ng Philippine Navy kaya hindi kataka-taka na na-promote siya as Lt. Commander ng Philippine Navy dahil na rin sa affiliation ng kanyang Yes Pinoy Foundation.

Sa nakaraang pagsabog ng Taal Volcano, isa si Dingdong at ang kanyang Yes Pinoy Foundtion, Philippine Army at Philippine Navy sa mga tumulong sa mga biktima.

Samantala, ang military training ni Dingdong  at ng kanyang mga kasamahan ay malaki ang naitulong sa kanyang pinakabagong primetime TV series, ang Philippine adaptation ng Korean telenovela na “Descendants of the Sun” kung saan siya gumaganap bilang si Captain Lucas Manalo or Big Boss.  Ang nasabing serye ay nakatakdang magsimula sa ere sa darating na February 10, Lunes.  Ito’y pinagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado na gumaganap naman bilang si Dr. Maxine de la Cruz or Doctor Beauty.